Iglesia ni Cristo
Posts  1 - 5  of  5
sisternovy
Ang asawa ko po ay converted INC. Ang problema po namin ay gusto na niyang bumalik sa dati niyang relihiyon. Pwede pa rin ba kaming magsama ? Matitiwalag po ba ako kung nagpatiwalag na siya at magsasama pa rin kami bilang mag asawa? Ano po ang stand ng INC about 1 Cor 7:12-13?

Thanks po.
Save
Cancel
Reply
replied to:  sisternovy
limjunus
Replied to:  Ang asawa ko po ay converted INC. Ang problema po namin...

1 Corinto 7:12-13
12. Datapuwa't sa iba, ay ako ang nagsasabi, hindi ang Panginoon: Kung ang sinomang kapatid na lalake ay may asawang hindi sumasampalataya, at kung kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan. 13.At ang babaing may asawang hindi sumasampalataya, at kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan ang kaniyang asawa.

Sa mga tinawag ng Dios, sa pakikisama kay Cristo. kung may asawa siya na hindi pa INC at nais na sila ay magsama (yun lang legal) ay walang problema.

Sa asawa naman na INC na ayaw na sa INC, hindi ka matitiwalag dahil sa ayaw na niya sa INC.

Matitiwalag ka lang kung sasama ka sa kanya sa relihiyon na yayakapin niya.

Kung yun asawa mo ay nag-INC lang dahil sa iyo para huwag kang matiwalag, yan ang tinatawag na INC mo lang siya at hindi talaga siya INC sa diwa at spiritual conviction.

Save
Cancel
Reply
replied to:  limjunus
sisternovy
Replied to:  1 Corinto 7:12-13 12. Datapuwa't sa iba, ay ako...
Oo alam ko po hindi ako matitiwalag. Ang tanong ko po ay kung pwede pa rin ba kaming magsama kahit hindi na siya INC at INC pa rin ako. Pwede ba kaming magsama pa rin sa iisang bubong? May anak kasi kami 9 months pa, ayaw ko masira ang aming pamilya. At ayaw ko rin po matiwalag ako sa INC.

Bale ang magiging setting po namin ay sasamba siya dun sa relihiyon niya, at sasamba din po ako sa INC.

Thanks po. Ministro ka po ba?
Save
Cancel
Reply
replied to:  sisternovy
limjunus
Replied to:  Oo alam ko po hindi ako matitiwalag. Ang tanong ko po...
May naka-destinong Ministro sa lokal na kinatatalaan mo. Higit na mainam na kumunsulta ka sa kanya through your "katiwala" ng pangkat.

Hindi ako Ministro. Ako ay isang Diakono. INC na ako since 1971 (converted from Catholic).

Sa ganang akin ay maaari pa rin kayong magsama bilang mag-asawa dahil kasal naman kayo kahit na iwan pa niya ang pagka- INC niya.

Save
Cancel
Reply
replied to:  limjunus
sisternovy
Replied to:  May naka-destinong Ministro sa lokal na kinatatalaan mo. Higit na mainam...
Salamat kapatid.
Save
Cancel
Reply
 
x
OK